(Kidapawan City/ June 11, 2015) ---Patuloy
pa ngayon ang ginagawang pagsisiyasat ng Philippine Institute of Volcanology
and Siesmology o Phivolcs-Kidapawan hinggil sa mga fault system sa probinsiya.
Ito ang sinabi sa DXVL News ni Engr. Hermes
Daquipa ng Phivolcs-Kidapawan matapos ang isinagawa nilang preliminary study sa
sinasabing bagong fault line na nadiskubre nila matapos ang nangyaring lindol
noong October 22 at September 20 ng nakaraang taon sa bayan ng Makilala at Tulunan.
Aniya, kailangan pa nila ng sapat na panahon
at malalimang pag-aaral bago makapaglabas ng opisyal na data hinggil sa sinasabing
fault system sa probinsiya.
Iginiit na opisyal na ang pinakamabisang
panlaban pa rin sa kahit anumang sakuna ay ang tamang paghahanda.
Sinabi pa nito na dalawa ang pinagmulan ng
lindol ang pagputok ng bulkan at ang nag-ki-kis-kisang mga lupa sa ilalim o
tectonic.
Ang tectonic earthquake ay kusang darating,
hindi alam kungsaan at anung oras at anu ka-lakas.
Aniya, ang North Cotabato ay may maraming
mga ‘local fault system’ maliban pa sa back-out active faults na nasa palibot
ng North Cotabato katulad: ng Western Mindanao fault, Philippine trench, Davao
trench, Central Mindanao Fault at Philippine fault zone na ayon kay Daquipa ay
mga malalapit na active faults sa North Cotabato.
Ibigsabihin kapag gumalaw ang nasabing mga
fault line apektado pa rin ang North cotabato sapagkat malapit lang ito, wika
pa ni Engr. Daquipa. Rhoderick Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento