(Kabacan, North Cotabato/ June 11,
2015) ---Sumipa ng halos P10 ang presyo ng kamatis sa Kabacan Public Market
simula kahapon.
Ito ayon kay Ginang Lolita Flores,
isa sa mga tinder ng gulayan sa Kabacan Public Market sa panayam ng DXVL News
team.
Bukod sa kamatis ay nanatiling paring
mataas ang presyo ng luya na mabibili sa P250 kada kilo ayon pa kay Ginang
Flores.
Samantala, wala namang naitalng
pagtaas ng presyo ng iba pang mga rekado at mga gulay sa kabacan Public market.
Mabibili parin ang repolyo sa P70-P80
kada kilo habang ang sayote naman ay mabibili sa P10 kada piraso, ang bawang ay
mabibili parin sa P100 kada kilo, ang sibuyas sa P65 kada kilo, ang radish na
P60 kada kilo at ang Kentucky na mabibili sa P50-P60 kada kilo. Mark Anthony Pispis
0 comments:
Mag-post ng isang Komento