Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Kabacan PNP: motorista, mag-ingat sa pagmamaneho

(Kabacan, North Cotabato/ June 11, 2015) ---Muling nagpaalala ang Kabacan PNP sa mga motorista sa bayan na maghinayhinay sa pagpapatakbo sa mga matataong lugar matapos ang naitalang vehicular accident sa USM Avenue als 11:45 ng umaga kahapon.

Ayon sa report ng Kabacan PNP Traffic Division, minamaneho umano ng isang Remalyn Gapasin, 27 anyos, may asawa at residente ng Brgy. Poblacion, Kabacan ang kanyang Suzuki na motorsiklo, kulay itim, may plakang 2299LX at papasok umano sa USM Avenue nang banggain ng isang trycicle na bumabiyaheng USM mula sa kanyang likuran.


Nagtamo ng multiple injuries ang biktima at bahagyang kasiraan sa kanyang motorsiklo.

Hindi pa umano huminto ang trycicle matapos ang nangyari.

Natukoy naman ng Kabacan PNP Traffic Division ang trycicle pati ang drayber at napagkasunduang areglohin nalang ang nasabing pangyayari.

Todo paalala naman ang Kabacan PNP sa mga motorista na maghinay-hinay lang sa pagpapatakbo lalo pat ang USM Avenue ay isa sa mga kalye sa Brgy. Poblacion ng bayan ng Kabacan sa mabibigat ang daloy ng trapiko at isa sa mga matataong lugar. Mark Anthony Pispis




0 comments:

Mag-post ng isang Komento