Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Kabacan LGU at USM, naki-isa ngayong araw sa pagdiriwang ng ika-117 taong anibersaryo ng ‘Araw ng Kalayaan’


(Kabacan, North Cotabato/ June 12, 2015) ---Kasabay ng pagdiriwang ng bansa ngayong ‘Araw ng Kalayaan’ ay nakikisa rin ang Pamahalaang Lokal at ang University of Southern Mindanao.

Isinasagawa ngayon ang aktibidad sa Municipal Plaza na sinimulan alas 6:00 ng umaga kanina.

Pangungunahan naman ni Kabacan Mayor Herlo Guzman Jr., ang nasabing aktibidad kasama ang mga lokal na opisyal ng bayan at mga kawani ng munisipyo at ilang mga empleyado ng gobyerno at iba pang sektor.


Si USM Pres. Dr. Francisco Gil Garcia ang panauhing tagapagsalita sa nasabing programa na may temang “Kalayaan 2015: Tagumpay sa Bagong Nasimulan, Abot Kamay na ng Bayan”.

Inaasahan namang dumalo sa nasabing programa ang lahat na mga kasapi ng University Administrative Council, faculty, non-teaching at estudyante ng USM. Rhoderick Beñez



0 comments:

Mag-post ng isang Komento