Ms. A-Esha Afdal Ampatuan |
Rene M. Bunduzan |
Sa ipinadalang acceptance letter ni Mr. Max Ediger, ang coordinator ng Interfaith Cooperation Forum sa dalawang partisipante noong Hunyo a singko, kanyang inihayag dito ang pagqualify ni Ms. Ampatuan at Mr. Bundozan sa nasabing Programa.
Pormal na magsisimula ang nasabing School of Peace 2015 na may temang: Interfaith Dialogue moving from tolerance, to acceptance, to engagement, sa unang lingo ng Agosto at magtatapos sa October ng taong kasalukuyan.
Ang nasabing School of Peace ay isa lamang
sa mga programa ng Interfaith Cooperation Forum na pinondohan ng Bread for the
World ng Berlin, Germany.
Isa itong inisyatibo na may layong turuan at
engganyuhin ang mga kabataan sa buong Southeast Asia na gumawa ng kanilang
inisyatibo para sa isang komunidad na may respeto, pagkakaisa at kooperasayon
para sa isang “Justpeace” movement at upang matutunan nila ang non-violent
actions to resolving conflicts.
Ang dalawang kabataan ay makikisalamuha sa
ibat-ibang kabataan na magmumula naman sa ibat-ibang bansa sa Southeast Asia.
Inaasahan din na pagkatapos ng nasabing School of Peace ay babalik ang mga ito
sa kanilang komunidad upang maibahagi ang kanilang natutunan.
Si Ms. A-Esha Afdal Ampatuan at Mr. Rene M.
Bundozan ay mga graduates ng University of Southern Mindanao at tubong Kabacan
at kasalukuyang nagbibigay ng kanilang boluntaryong serbisyo sa pamamagitan ng
Literacy-Numeracy classes o sessions sa mga Moro at Indigenous People
communities.
Ayon naman kay First Lady, Mrs. Evangeline
Pascua Guzman, ang may bahay ni Mayor Herlo P. Guzman, Jr. masaya umano siya sa
katuparan ng pangarap ni Ms. Ampatuan at Mr. Bundozan na maging kinatawan ng
Kabacan sa School of Peace 2015.
Inaasahan din niyang magsisilbi ang dalawang
kabataan sa kani-kanilang mga komunidad. Isa si Mrs. Guzman na nagbigay ng
rekomendasyon para kay Mr. Bundozan na mapasok sa nasabing programa.
Sa ngayon, ang dalawang kabataan ay
naghahanda sa nalalapit nilang pag-alis sa bansa upang ibahagi ang kanilang
kultura at kaalaman sa iba pang mga partesipante na nagmumula naman sa mga
bansa sa Southeast Asia. Sarrah Jane C.
Guerrero
0 comments:
Mag-post ng isang Komento