Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Graduate ng USM, Top 3 sa katatapos na Agriculturist Licensure Examination

(USM, Kabacan, North Cotabato/ June 11, 2015) ---Muling pinatunayan ng University of Southern Mindanao na patuloy pa rin na mataas ang kalidad ng edukasyon ng pamantasan matapos na makuha ng unibersidad ang top 3 sa katatapos na June 2015 Agriculturist Licensure Examination.

Ito ay sa katauhan ni Bernadith Tartado Borja na nakakuha ng 85.50%.

Batay sa inilabas ng Professional Regulation Commission nakuha ng Don Mariano Marcos Memorial State University-Bacnotan ang top 1, University of the Philippines ang top 2 at pangatlo ang University of Southern Mindanao.

Abot naman sa 119 ang pumasa buhat sa University of Southern Mindanao kungsaan nakakuha ito ng 50.64% na passing rate.

Nagpaabot naman ng kanyang pagbati si USM Pres. Francisco Garcia sa mga pumasa at sa mga guro ng College of Agriculture na panamumunuan ni Dean Dr.Purification Cahatian.

Ang resulta ay inilabas ng PRC, 4 working days pagkatapos ng eksaminasyon.

Sa 6,080 na kumuha ng eksaminasyon, 1,888 dito ang pumasa.

Ang exam ay isinagawa sa Manila, Baguio, Cagayan de Oro, Cebu, Davao, Iloilo, Legazpi, Lucena, Tacloban, Tuguegarao at Zamboanga ngayong Hunyo lamang.

Para sa mga gustong malaman kung pumasa sila sa naturang exam, bisitahin ang facebook page ng DXVL ang Kool FM at i-like, agad na makikita doon ang roll of successful examinees. Rhoderick Beñez



0 comments:

Mag-post ng isang Komento