AMAS, Kidapawan City (June
6) – Apat na makabuluhang proyekto ang ipinagkaloob ng Provincial Government of
Cotabato sa apat na mga barangay sa serye ng turnover ceremony na pinangunahan
ni Cot Gov. Emmylou “Lala” J. Taliño-Mendoza, kahapon June 6, 2015.
Ito ay kinabibilangan ng 1 unit
single storey Barangay Health Station sa Barangay Batasan, Makilala na
nagkakahalaga ng P1M kung saan ang pondo ay nagmula sa share ng Provincial
Government of Cotabato sa Mt. Apo Geothermal Project- Energy Development
Corporation.
Kabilang din sa turnover kahapon ay
ang 1 unit classroom building sa Kiyaab Elementary School sa Barangay Kiyaab,
Antipas na nagkakahalaga ng P700,000; covered court sa Barangay Sto. Niño,
Arakan na nagkakahalaga ng P1.5M at 1 Multi-Purpose Building sa Barangay Anick,
Pigcawayan na nagkakahalaga ng P600,000 kung saan ang pondong ginamit ay mula
sa Provincial Government of Cotabato.
Kasama ni Gov Taliño-Mendoza sa turnover
sa Makilala, Antipas at Arakan sina 2nd District of Cot Board
Members Cris Cadungon, Noel Baynosa at Airene Claire Pagal habang sa Pigcawayan
ay sina Board Members Eliseo Garcesa, Jr. at Loreto Cabaya, Jr. ang kasama sa
aktibidad.
Sa kanyang mensahe, sinabi ni Gov
Taliño-Mendoza na patuloy ang kanyang liderato sa pagpapatupad ng mga
proyektong angkop sa pangangailangan ng mga barangay tulad na lamang ng mga
infrastructures na ibinigay sa Batasan, Kiyaab, Sto. Niño at Anick.
Di naman maikubli ng mga barangay
officials at mga residente ng naturang mga barangay ang tuwa at pasasalamat kay
Gov Taliño-Mendoza sa mga proyektong ipinagkaloob sa kanila.
Layon naman ng Provincial Government
of Cotabato na malagyan ng mga kapaki-pakinabang na proyekto ang lahat ng
barangay sa lalawigan.
Maliban sa infrastructure, patuloy
din si Gov Taliño-Mendoza sa pagpapatupad ng mga programa sa edukasyon (Cot PSP
Scholarship Program), kalusugan (medical-dental outreach), agrikultura
(seedling and fertilizers, fingerlings distribution, animal dispersal)
pangkabuhayan (STEP program at trainings for cooperative members),
pangkapayapaan (SKPC, KSBC) at marami pang iba. (JIMMY STA. CRUZ-PGO Media Center)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento