Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

16 na sasakyan, huli sa isinagawang pangalawang Oplan Kolurom ng Kabacan PNP at TMU sa Kabacan

(Kabacan, North Cotabato/ June 5, 2015) ---Kasalukuyan ngayong nasa koustodiya ng Kabacan MPS ang 16 na mga kolurom na sasakyan matapos na mahuli sa isinagawang Oplan Kolurom ng Kabacan PNP at TMU sa ilang mga kalye at terminal sa Brgy. Pob. Kabacan, Cotabato kahapon.

Ayon kay Kabacan Traffic Management Unit Head Retired Kol. Antonio Peralta sa panayam ng DXVL News Team, nakahuli sila ng 2 trysikel at 5 trysikad na may-biyaheng Poblacion-Kayaga, at 9 na single na motorsiklo ang kanilang nahuli sa nasabing surprised inspection.


Mismong sina Ret. Kol. Antonio Peralta at Kabacan OIC Chief Ronnie Cordero ang ang nanguna sa nasabing operasyon.

Ito na ang pangalawan operasyon ngayong linggo na kung saan ay nakahuli rin sila ng 40 mga sasakyan noong araw ng Lunes.

Dagdag pa ng opisyal na umpisa pa lamang ito ng kanilang ginagawang Oplan Kolurom at patuloy pang magsasagawa ng surprised inspection sa iba pang mga kalye sa bayan upang hulihin ang mga kolurom na trysikel at trysikads pati na rin ang mga motoristang ayaw sumunod sa batas trapiko na kanilang ipinatutupad sa bayan.

Ito ay upang makapaghanapbuhay ng maayos at mabigyang daan ang mga trysikel at trysikad drivers na may kauukulang mga permit at upang makaiwas na rin sa mga possibleng mangyaring krimen sa bayan basi narin sa direktiba ni Kabacan Mayor Herlo P. Guzman Jr. Mark Anthony Pispis


0 comments:

Mag-post ng isang Komento