(Kabacan, North Cotabato/ June 5, 2015) ---Ipinaliwanag
ni Cotabato Schools Division Superintendent Omar Obas ang dahilan ng
pagka-antala ng pagbibigay ng sahod, bonus at clothing allowance ng mga guro
kasama na ang kanilang Productivity Incentive Bonus o PIB.
Sa panayam ng DXVL News sa opisyal inihayag
nitong naibigay na umano ang sahod ng mga guro ngunit may mga distrito at
paaralan pa na hindi nakapag sumite ng kanilang payroll at iba pang
requirements kung kaya’t di pa mai-release ang benepisyo ng mga ito.
Aniya, tuloy tuloy ang pag-rerelease ng PIB
ng mga guro mula pa noong nakaraang linggo at di naman umano lahat ng paaralan
ay di nabigyan ng benipisyo.
Ang mga naantala lamang umano na mga P.I.B
ay ‘yung mga paaralan na di nakapagsumite ng payroll.
Kabilang ang Kabacan Pilot sa paaralan na di
nakapag sumite ng payroll ng mga guro. Inisa-isa ni Supt.Obas ang mga paaralan
na hindi nakapag sumite ng payroll sa Division office.
Ang di umano nakapag sumite para sa clothing
allowance ay ang Alamada West. Inisa –isa din ng opisyal ang mga paaralan sa
sekondarya na hindi nakapag-sumite para sa PIB.
Ang para naman umano sa clothing allowance ang
paaralan na hindi pa nakapag-sumite ay ang Sarayan High School at Taguranao High
School.
Sa mid year bonus naman umano ang hindi nakapag sumite ay ang Sarayan
Highschool, Taguranao highschool at Pigcawaran Highschool.
Nanawagan din si Supt.Omar Obas sa mga
paaralan na asikasuhin at isumite ang mga requirements upang maasikaso ng
distrito ang benipisyo ng mga guro. Christine
Limos
0 comments:
Mag-post ng isang Komento