(North Cotabato/ June 4, 2015) ---Nagpasalamat
ang pamunuan ng Department of Education dito sa lalawigan sa iba-ibang mga
sektor na sumuporta sa maayos na pagbubukas ng klase.
Partikular na pinasalamatan ni
Cotabato Schools Division Superintendent Omar Obas ang mga lokal na
pamahalaaan, mga guro, mga magulang, mga tanod at mga pulis.
Binigyang-diin ng opisyal na sa
pangkalahatan naging maayos ang pagbubukas ng klase lalo na sa mga lugar na
apektado ng kaguluhan.
Partikular na nilibot ng opisyal ang
mga eskwelahan sa bayan ng President Roxas, Antipas at Arakan.
Dagdag pa niya, bagama’t may ilang
mga maliliit na problemang naitala sa ibang paaralan, agad naman itong
natugunan.
Samantala, inihayag ni Obas na
sa kabila ng pagsisimula ng klase
ngayong linggo, magbubukas naman ng enrollment desk ang DepEd-North Cotabato sa
susunod na linggo para sa mga hindi pa naka-pag-enrol.
Ani Obas, pansamantala munang
inihinto ang pagtanggap ng enrollment base na rin sa DepEd Memorandum Order 116
series of 2015 upang bigyang daan ang
mga guro sa pagpapatupad ng regular na
klase.
Kaugnay nito, nanawagan ang opisyal
sa mga kabataan na magpatala na at nang makapagsimula nang pumasok sa eskwela.
Sa ngayon, nakapagtala na ang
DepEd-North Cotabato ng 203,687 na
mag-aaral sa elementarya at kinder habang 75, 902 naman na mga estudyante sa
sekundarya. PIA 12/ DXVL News
0 comments:
Mag-post ng isang Komento