(Kabacan,
North Cotabato/ June 3, 2015) ---Magkatuwang na nagsagawa kamakailan (5/28/15)
ang Organic Agriculture Program at Fisheries Division ng Office of the
Provincial Agriculturist ng hands-on training on tilapia culture in pond sa
Regional Fisheries Training and Fisherfolk Coordination Center (RFTFCC) sa
Kabacan.
Ito ay
dinaluhan ng 22 kalahok na mga fishpond operators mula sa Lampagang, Tulunan.
Ayon
kay Provincial Agriculturist Eliseo Mangliwan, layon ng training na ibahagi ang
kaalaman tungkol sa organikong produksiyon ng tilapia sa fishpond na mataas ang
demand sa pamilihan.
Naging
bahagi naman ng isang araw na training ang mga paksang tinalakay na katulad ng
mga sumusunod, dagdag pa ni Ms. Julieta Lumogdang na siyang Provincial Focal
Person for Organic Agriculture:
1. Organic Aquaculture
2. Basic Biology of Tilapia
3. Site Selection
4. Pond Preparation
5. Pond Stocking
6. Fishpond Management
7. Organic Feed Formulation
8. Use of Supplemental Feeding, at
9. Harvesting
Suportado naman ni Gov. Emmylou “Lala”
J. Taliño-Mendoza and hands-on training on tilapia culture in pond katunayan
isa ito sa mga programang isinusulong ng kanyang administrasyon sa ilalim ng
Serbisyong Totoo program ng Pamahalaang Panlalawigan. Ang inisyatibang ito ay
isinagawa upang maragdagan ang kita ng mga fishpond operators sa lalawigan. RUEL L. VILLANUEVA, Agricultural
Technologist, OPA, Amas, Kidapawan City
0 comments:
Mag-post ng isang Komento