(Kabacan,
North Cotabato/ June 3, 2015) ---Patay ang mag-live-n partner sa panibagong
insidente ng pamamaril sa bisinidad ng Mantawil Extension, Purok Crislam,
Poblacion, Kabacan, Cotabato alas 2:40 kahapon ng hapon.
Sa
panayam ng DXVL News kay PSI Ronnie Batuampo Cordero, hepe ng Kabacan PNP
kinilala nito ang mga biktima na binawian ng buhay na sina Alvin Payot
Langalin, 28-anyos, may asawa at residente ng Brgy. Kibayao, Carmen, North
Cotabato habang kinilala naman ang live-in partner nito na si Gladys Joy
Lainer, 23-anyos, GRO at residente ng Digos city.
Batay
sa ulat, pinagbabaril ng di pa nakilalang mga armadong kalalakihan ang suspek
gamit ang kalibre .45 na pistol batay sa mga ebedensiyang narekober sa crime
scene.
Si
Payot ay nagtamo ng tama ng bala sa kaliwang pisngi nito habang ang babaeng
bikitma ay nagtamo ng tama ng bala sa likod nito na dahilan ng agaran nilang
kamatayan.
Agad
namang tinugis ng mga otoridad ang mga suspek na tumakas sa bahagi ng Sitio Lote,
Brgy. Kayaga lulan ng isang Honda XRM 125 na may plakang 3677YM.
Ang
motorsiklo ay tinangay ng mga suspek sa mga biktima na nakarehistro sa kay
Arnel Calibara ng Brgy. Malapag bayan ng Carmen.
Napag-alaman
pa na ang biktimang si Payot ay dati ng may kinakaharap na kaso sa illegal
drugs at may pending case dahil sa paglabag sa Section 11 ng RA 9165 na
isinampang kaso ng Kabacan PNP sa RTC Branch 16, Kabacan, Cotabato.
‘Isa
sa mga anggulong sinusundan naming ay ang onsehan sa droga’, wika pa ni Cordero
sa DXVL News. Rhoderick Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento