(Kabacan, North Cotabato/ June 4,
2015) ---Hinatulan ng reclusion perpetua o habambuhay na pagkakabilanggo si
Diosdado Sebaldes matapos na babaan ng hatol ni Regional Trial Court RTC Branch
22 Judge Laureano Alzate ang nasasakdal dahil sa apat na kasong kriminal na
nangyari noong Pebrero at Marso 2002 na isinampa sa nasabing korte.
Ang dalawang mga biktima ay mga menor
de edad at hindi pinangalanan dahil sa provision ng anti-violence against women
and children act, RA No. 9262.
Alinsunod din ito sa GR no. 167693 o
Cabalquinto, na hindi pwedeng banggitin ang tunay na pangalan at
pagkakakilanlan ng mga biktima.
Dahil dito, napatunayan ng
prosekusyon sa korte na si Diosdado Sebaldez ay nagkasala ng walang pagdududa (guilty
beyond reasonable doubt) dahil sa ginawa niya ang apat na magkakahiwalay na
panggagahasa sa dalawang menor de edad.
Kaya naman, hinatulan ni Judge Alzate
ng habambuhay na pagkakakulong o reclusion perpetua si Sebaldez at pagbabayarin
ng danyos sa mga biktima. Rhoderick
Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento