(Koronadal
City/ June 3, 2015) ---Bagama’t may napipintong pagtaas ng presyo ng bigas sa
bansa, tiniyak naman ng Kagawaran ng Pagsasaka sa Rehiyon 12 na may sapat na
supply ng bigas ang National Food Authority.
Ito
ang sinabi ni DA 12 Regional Executive Director Amalia Jayag Datukan sa isang
pulong pambalitaan na isinagawa sa Viajera Resto Bar, Koronadal city kahapon ng umaga.
Aminado
naman opisyal na may nababadyang pagtaas ng presyo ng bigas sa bansa pero hindi
naman deriktang sinabi ni Director Datukan kung apektado ng pagtaas ng presyo
ng bigas ang Rehiyon.
Ginawa
ng opisyal ang pahayag sa isinagawang press briefing kaugnay sa epekto ng el
niño sa Rehiyon.
Sa
datos na inilabas ng DA 12, ang North Cotabato ay nakapagtala ng 5,919.20
ektarya ang naapektuhan ng nagdaang tagtuyot sa 17 mga munispyo, 15,815 na
ektarya sa mais at 572 na ektarya sa High Value Crops.
Iginiit
naman nito na ang Soccsksargen ay 128% Tri sufficient sa palay.
Dahil
dito, may mga ayudang ibinibigay ang ahensiya sa pamamagitan ng Pass-over Scheme sa mga
magsasaka sa rehiyon sa pamamagitan ng kooperatiba o irrigator’s association at
pangkat ng mga magsasaka.
Ibigsabihin
nito, ipapasa naman ng grupo ng mga magsasaka ang binhi at abono sa susunod na
miyembro ng grupo sa pamamagitan ng cash, ayon kay Director Datukan.
Ang
bagong paraan ng pagbibigay ng tulong ng Kagawaran ay sa pamamagitan ng High
Yielding Technology Adoptation o HYTA kungsaan may nakahanda ng 48,570 bags ng
rice seeds at 3,890 bags of corn seeds ang handa ng ipamimigay sa pamamagitan
ng nasabing programa.
Ang
Press Briefing ay isinagawa ng DA 12 upang maipabatid ang epekto ng El Niño sa
Agrikultura katuwang ang Philippine Information Agency 12 sa pamumuno ni PIA 12
Regional Director Olivia Sudaria. Rhoderick
Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento