(Amas,
Kidapawan city/ June 3, 2015) ---Pormal na natapos ang 5th Gov Lala Taliño-Mendoza
Summer Kids Peace Camp o SKPC sa Arakan noong May 30, 2015 matapos ang mahigit
dalawang buwan matapos simulan ito ngayong taon sa Banisilan noong March 20 at
nilibot ang lahat ng munisipyo ng Cotabato.
Abot
sa 1,185 na mga Grade 5 pupils mula sa iba’t-ibang public elementary schools sa
Arakan ang nagtipon-tipon sa Arakan Central Elementary School at sumailalim sa
mga learning sessions ng SKPC kabilang ang peace initiatives, leadership
training, environmental protection, life-saving, disaster preparedness at iba
pa.
Binuo
ni Gov. Emmylou “Lala” J. Taliño-Mendoza ang konsepto ng SKPC upang magsilbing
kontribusyon ng Provincial Government of Cotabato sa paghahanap ng pang
matagalang kapayapaan sa lalawigan.
Ito na
ang ika-limang taon na isinakatuparan ang SKPC mula 2010 kung saan bawat taon
ay mula 22,000 to 24,000 na fifth graders ang nagkakaroon ng pagakataong maging
bahagi ng peace efforts ng provincial government.
Base
sa talaan ng SKPC, abot sa 24,385 kabataan ang lumahok sa SKPC ngayong taon
bagay na ikinatuwa ng pamahalaang panlalawigan at ng DepEd Cot Schools
Division.
Naniniwala
si Gov. Taliño-Mendoza na malaki ang magagawa ng mga kabataan upang makamtan
ang pangmatagalang kapayapaan lalo na sa mga conflict-affected areas ng
Cotabato Province.
Sila
raw ay instrumento para sa pag-uunawaan, pagkakaisa at pagtitiwala sa bawat isa
ng Tri-People o ng Lumad, Muslim at Kristiyano sa lalawigan.
Kaya
naman sa murang edad ay ipinapaunawa na sa kanila na mahalagang bigyang daan
ang kapayapaan upang magtuloy-tuloy ang pag-unlad ng lalawigan. (JIMMY STA.
CRUZ-PGO Media Center)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento