Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Gulayang Pangkabuhayan ng Cotabato malaking tulong sa hangaring food sustainability and security

(Amas, Kidapawan City/ June 3, 2015) ---Matapos mailunsad sa tatlong distrito ng Cotabato noong Feb. 20, 2015, umani na ngayon ng produktong gulay ang programang Gulayang Pangkabuhayan ng Cotabato.

Mismong si Gov Emmylou “Lala” J. Taliño-Mendoza ang sumaksi sa ani ng iba’t-ibang gulay sa compound ng 602nd Brigade ng Phil. Army na nakabase sa Carmen (3rd district), Cotabato nitong nakaraang May 28, 2015.

Kabilang rito ang kalabasa, talong, upo, ampalaya at maging prutas na papaya at pakwan na maaari ng lutuin ng mga planters o ibenta sa merkado at makatulong sa kabuhayan.


Kasabay ng ani sa Carmen ay ang harvest din ng mga gulay sa Southern Christian College ng Midsayap (1st District) at Balindog Research and Experimental Center sa Kidapawan City (2nd District) kung saan maraming gulay din ang pinakinabangan ng mga planters.

Matatandaang pinondohan ng Provincial Government of Cotabato ng tig-P1M ang bawat venue ng Gulayang Pangkabuhayan ng Cotabato at hinikayat ang mga stakeholders na alagaan ang mga gulay at pagyamanin ito.

Ayon kay Gov. Taliño-Mendoza, dapat ibalik at buhayin muli ang backyard gardening sa bawat komunidad upang mapalakas ang kampanya ng Provincial Government of Cotabato para sa food sustainability at food security.

Sinabi ng gobernadora na malaking tulong para sa bawat pamilya ang pagpapalago ng gulay dahil maliban sa pagkain ay maaari pa itong maging income-generating project.
Pinuri naman niya ang mga partners ng Provincial Government of Cotabato sa suporta at pakikipagtulungan sa proyekto at hinikayat ang mga ito na ituloy lamang ang pagtatanim upang matiyak na mapakikinabangan ito ng mga mamamayan.

Hinimok din ng gobernadora ang mga Local Government Units na maglungsad din ng kahalintulad na programa para lalo pang maisulong ang agrikultura at ekonomiya ng lalawigan. (JIMMY STA. CRUZ-PGO Media Center)


0 comments:

Mag-post ng isang Komento