(Kidapawan city/ June 4, 2015) ---Ang
TSI lamang ang siyang nakikitang solusyon ng COTELCO sa problema ng kakulangan
ng supply ng kuryente sa coverage area nito sa siyang nagiging dahilan ng power
curtailment na ipinapatupad ng electric cooperative.
Ito ang inihayag ni COTELCO General
Manager Engr. Godofredo Homez sa isinagawang Press Conference sa Kidapawan city
nitong Martes.
Sa nasabing aktibidad ay sinagot
lahat ng opisyal ang katanungan ng media.
Anya hindi naman sana makakaranas ng
kakulangan sa supply ng kuryente ang Cotelco kung hindi lamang nangyari ang
malawakang black-out sa boung Mindanao noong April 5, 2015 na siyang dahilan ng
pagkasira ng planta ng Therma South Inc. o TSI ng Aboitiz Power na no’oy papasok
na sana sa grid.
Nadagdagan pa umano ang nasabing
kakulangan ng supply ng kuryente sa
kanilang service area ng pumasok ang drought season na naging dahilan ng
pagbaba ng level ng tubig sa Agus Pulangi.
Ginagawa naman umano ng pamunuan ang
kanilang makakaya upang makapagbigay ng nararapat na serbisyo sa kanilang
member consumers at nag-iisip ng mga preventive measures ngunit meron lang
talagang mga pangyayaring hindi nila kayang pigilan kagaya ng total blackout at
ng tagtuyot.
Sa katunayan ay iprenisinta rin ni
Homez ang kanilang long-term solution upang masiguro ang sapat na supply ng
kuyente sa kanilang area coverage sa mga darating na taon.
Dumalo rin sa nasabing press con si
ABOITIZ Marketing Officer Theodor Bisnar na siyang nagpaalam sa estado ng
pagpasok o ang pagbibigay ng TSI ng 10MW na dagdag na kuryinte sa Cotelco.
Sa hiwalay naman na panayam ng DXVL
News kay Cotelco Spokesperson Vincent Baguio, ang target na petsa ng TSI kung
saan ay magkakaroon ng Commercial Operation o ang kanilang pagbibigay ng dagdag
na supply ng kuryinte sa linya ng COTELCO ay sa July 13-19, 2015.
Anya habang hindi pa umano
nakakapasok ang TSI ay patuloy parin umanong mararanasan ang rotating brownout
sa service area ng Cotelco.
Dagdag pa ng opisyal na inaasahang
makakabawas sa haba ng oras ng nararanasang brown-out ang pag sisimula ng
Commercial Operation ng TSI.
Nagpaliwanag din ang opisyal sa
publiko kung bakit nangyayari ang brownout sa panahong kailangang kailangan
nila ang kuryinte kagaya na lamang ng gabi.
Anya, alas 5 hanggang alas 10 ng gabi
umano ng gabi ay halos lahat ay gumagamit ng kuryente kung kayat lumalagpas na
ang Cotelco sa ibibinibigay sa allocated load ng NGCP kung kayat ditto na
nagkakaroon ng brown out sa direktiba na rin ng NGCP.
Wala umanong eksaktong oras ang
brown-out sapagkat hindi umano parepareho ang oras kung saan ay lumalagpas na
allocated load ang Cotelco na minomonitor ng NGCP.
Nabatid rin mula sa opisyal na meroon
naman silang ginagawang paraan upang mabigyan ng abiso ang kanilang mga
konsumedores hinggil sa mangyayaring brownout sa kanilang kinabibilangan na
feeder. Mark Anthony Pispis
0 comments:
Mag-post ng isang Komento