Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Davao Region, magkasunog na niyanig ng lindol

(Kabacan, North Cotabato/ June 2, 2015) ---Walang naiulat na casualties at mga nasira makaraang niyanig ng 4.9 Magnitude na lindol ang bayan ng Upi, Maguindanao alas 9:40 nitong Sabado ng umaga.

Batay sa ulat na nakalap ng DXVL News sa Phivolcs may lalim na 631 na kilometro ang nasabing lindol.


Napag-alaman na tectonic ang pinagmulan nito.

Samantala, inuga din ng 4.2 na magnitude ng lindol ang Jose Abad Santos na nasa Davao Occidental alas 11:47 kagabi.

May lalim namang 56 kilometro ang nasabing paglindol.

Maliban dito, naramdaman naman ang 3.2 magnitude na lindol sa Davao City, na nasa lalawigan ng Davao del Sur alas 2:13 kaninang madaling araw.

Wala namang may naiulat na pinsala ang nasabing mga pagyanig na kapwa tectonic ang nasabing pinagmulan. Rhoderick Beñez



0 comments:

Mag-post ng isang Komento