(Kabacan, North Cotabato/ June 5, 2015) ---Tinukoy
ni Cotabato Schools Division Superintendent Omar Obas ang solusyon sa kawalan
ng kuryente sa Kabacan Pilot Central Elementary School.
Sa panayam ng DXVL news sa opisyal inihayag
nitong 4 na buwan na umanong naputulan ng kuryente ang naturang paaralan.
Dagdag pa niya na pangalawang beses na umano
itong nangyari na naputulang ng kuryente ang paaralan.
Aniya, ang natatanging paraan para maibalik
ang serbisyo ng kuryente sa paaralan ay maisumite ng pamunuan ng eskwelahan ang
liquidation nila ng cash advances at asikasuhin ng mga ito ang pag-release ng
Maintenance and other Operating Expenses o MOOE o allocation sa ikalawang
quarter sa buwan ng Abril hanggang Hunyo.
Sinabi ni Obas na pangunahing dahilan na
naputulan ng kuryente ang paaralan dahil di nakakakuha ng 1st
quarter na MOOE na nagkakahalaga ng 250 thousand ang paaralan kung kaya’t nag-kautang
sa kuryente ng abot sa P65,000 ang Kabacan Pilot Central School.
Paliwanag pa ng opisyal na i-liquidate muna ang
naunang cash advances bago ma-i-release ang pera ng gobyerno. Aniya hindi na
makukuha ng paaralan ang di nakuhang MOOE dahil bawat quarter nagsasara ng
financial transaction ang distrito.
Ipinaliwanag din ni Supt. Obas na hindi
pwedeng magpalabas ng pera ng gobyerno ang distrito kung hindi nakukumpleto ang
mga requirements na kailangan sa pagpapalabas ng MOOE.
Nanawagan naman si Supt.Obas sa mga magulang
na huwag mag-alala ang 3 libong estudyante ng Kabacan Pilot Central Elementary
School dahil ginagawa nila ang lahat sa tulong ni KPCS Principal Anne Roliga na
maibalik ang serbisyo ng kuryente.
Kahapon ay tinungo ng DXVL News Team ang
paaralan at naging maayos naman ang pakikipanayam at pakikipagtalastasan namin
sa Principal Mam Anne Roliga.
Pero tumanggi itong mag-paunlak ng recorded
interbyu, sa halip ay kanyang ipinaliwanag at inisa-isa ang mga idinulog naming
hinaing sa nasabing eskwelahan.
Hinamon din nito ang mga magulang na nag-rereklamo
na puntahan siya ng personal dahil bukas ang kanyang tanggapan sa anumang
pakikipag-dayalogo.
Ipinagmalaki din ng punong guro ang
magandang produkto ng kanilang paaralan kungsaan marami na rin sa mga mag-aaral
ng Kabacan Pilot Central School na nakaabot na ng National Level sa iba’t-ibang
mga patimpalak, ito dahil sa husay at kalidad din ng kanilang edukasyon.
Pero aminado si Roliga na hindi naman gaanu
kagandahan ang mga pasilidad ng kanilang paaralan. Rhoderick Beñez/ Christine Limos
0 comments:
Mag-post ng isang Komento