Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

2 sugatan sa pagkakahulog ng Truck sa Arakan, North Cotabato

Photo from FB: A. Francisco
Christine Limos

(Arakan, North Cotabato/ June 1, 2015) ---Sugatan ang isang driver at helper nito matapos mahulog ang isang elf truck sa bangin sa Sitio Malihongkong, Arakan North Cotabato noong Biyernes. 

Ito ang inihayag ni PSI Sunny Leoncito, hepe ng Arakan PNP sa panayam ng DXVL news.

Kinilala ng Arakan PNP ang driver na nagtamo ng sugat sa kamay na si Jandee Bahaghari, residente ng South Cotabato at sugatan din ang helper nito na nagtamo umano ng pilay sa isang paa.

Sa imbestigasyon ng Arakan PNP mula umano sa Koronadal, South Cotabato ang naturang elf truck at magde-deliver ng semento sa Lower Lumbo, Arakan nang mawalan ng preno pagsapit sa pababa na bahagi ng crossing Pedroso na naging sanhi ng pagkahulog nito sa bangin na may lalim na 30 hanggang 40 metro.

Ayon kay PSI Leoncito bumaliktad ng tatlong beses ang elf truck na naging dahilan ng pagkawasak at pagkasira ng karga nitong isandaang sako ng semento.


Nagpa-alala naman si PSI Sunny Leoncito sa mga bumabyahe na mag ingat sa pagmamaneho lalo na at papasok na ang panahon ng tag ulan.

0 comments:

Mag-post ng isang Komento