Rhoderick Beñez
(Kabacan, North Cotabato/ June 1,
2015) ---Matapos ang dalawang buwan na bakasyon, sabay-sabay na dadagsa ngayong
araw ang may dalawang daang libung mga mag-aaral
ng Department of Education o DepEd Cotabato Division sa iba’t ibang
pampublikong paaralan sa lalawigan ng North Cotabato sa pagsisimula ng klase sa
school year 2015-2016.
Ayon kay North Cotabato Schools
Division Supt. Omar Obas nasa 281,934 ang bilang ng kanilang mga naitalang
enrollees batay sa pinakahuling data nila kahapon.
Aasahan din na madadagdagan ito.
Sa nasabing bilang 210,302 dito
ang sa elementarya at Kinder samantala 71,632 naman ang sa High School level.
Tiniyak ng opisyal na, ‘all system
go’ na ang lahat ng paaralan sa probinsiya para salubungin at tanggapin ang mga
mag-aaral na magbabalik eskwela.
Una ng sinabi ni Obas sa DXVL News
na, Enero pa lamang ay nagsimula na sila ng preparasyon sa pagbubukas ng klase
ngayong taon makaraang ipatupad ang early registration na ang layunin ay
maagang matukoy ang bilang ng mga madaragdag na estudyante na papasok sa mga
pampublikong paaralan.
Sa inisyal na report ng DepEd,
nasa 200,000 estudyante ang nadagdag sa kanilang listahan ngayong taon, mataas
ng 50,000 noong nakalipas na taon, hindi pa kasama ang mga huling nagpalista at
mga lumipat sa public mula sa private schools.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento