(Kabacan, North Cotabato/ June 2,
2015) ---Sa kabila ng pagsisimula ng klase ngayong linggo, inihayag ng pamunuan
ng Department of Education North Cotabato Division na magbubukas pa sila ng
enrolment sa susunod na linggo para sa mga hindi pa naka-pag-enrol.
Ito ang sinabi ni Cotabato Schools
Division Supt. Omar Obas sa panayam sa kanya ng DXVL News Radyo ng Bayan.
Aniya, pansalamantala muna nilang
inihinto ang pagtanggap ng enrolment sa kasalukuyan upang bigyan ng daan ng mga
guro ang pagpapatupad ng regular na klase.
Batay sa kanilang record mas mataas
naman ang enrolment nila ngayong School year kung ikukumpara sa nakaraang taon.
Sa ngayon, nakapagtala na sila ng
203,687 sa elementarya at kinder habang 75, 902 sa high School across Cotabato
province.
Una na ring tiniyak na opisyal na
kanilang tutugunan ang kadalasang mga reklamo kaugnay sa pagbubukas ng kalse.
Binisita rin kahapon ni Supt. Obas
ang bayan ng Arakan, Pres. Roxas at Antipas upang alamin ang sitwasyon doon ng
ilang mga eskwelahan.
Posible namang magdedeploy pa sila ng
mga karagdagang guro sa mga lugar na mas marami ang mga estudyante.
Samantala, nagging maayos at mapayapa
naman sa pangkalahatan ang pagbubukas ng klase sa buong lalawigan ng North
Cotabato, ayon sa opisyal. Rhoderick
Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento