(Kabacan, North Cotabato/ June 11,
2015) ---Nakapagtala ng 15 kaso ng sakit na dengue ang RHU Kabacan nitong
nakaraang buwan ng Mayo taong kasalukuyan.
Ayon kay RHU Kabacan Disease
Surveillance Coordinator Honey Joy Cabellon sa panayam ng DXVL News Team, mas
mataas ito ng tatlong beses kung ikukumpara sa kanilang naitalang kaso noong
buwan ng Abril.
Dagdag pa ng opisyal, batay sa
nasabing data, Poblacion pa rin ng Kabacan ang may pinakamaraming kaso ng
nagkakasakit ng dengue na nakapagtala ng 10 kaso, sumunod ang Brgy. Pisan na
may 2, Brgy. Kayaga na may 2, at panghuli ang Brgy. Dagupan na may 1 kaso.
Dahil dito, mas pinaigting pa ngayon
ng RHU sa pangunguna ni Dr. Sufronio Edu ang kanilang Information and Education
campaign.
Samantala, nakapagtala rin ng 12 kaso
ng Sexually Transmitted Infections ang RHU sa bayan ng Kabacan.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento