Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Sisterhood or Twinning Relationship ng bayan ng Kabacan sa Mandaue City, Cebu, aprubado na

(Kabacan, North Cotabato/ June 7, 2015) ---Aprubado na ng Sangguniang Panglungsod ng Mandaue City, Cebu ang Resolution #13-176-2015 na nagpapahintulot na sumailalim sa Sisterhood or Twinning Relationship ang bayan ng Kabacan mula sa kanilang lungsod.

Ayon kay LGU Kabacan Administrative Officer Cecilia Facurib sa panayam ng DXVL News, malaking tulong umano ito sa bayan ng Kabacan at sa Lungsod ng Mandaue sapagkat maari nang kopyahin o iadopt ang kanikanilang batas na maipapatupad sa kanikanilang bayan na siyang naglalayong maisulong ang kaunlaran.

Anya, kasali rin ang bayan ng Midsayap, North Cotabato at Nunungan Lanao del Norte sa mga bayan na masasali sa nasabing relasyon.

Umaasa naman ang opisyal na magkakaroon ng pagtutulungan ang dalawang mga Saggunian upang mas makamit ang minimithing kaunlaran ng mga ito kasabay narin sa adhikain ng LGU Kabacan sa pangunguna ni Mayor Herlo P. Guzman Jr. na “Unlad Kabacan”. Mark Anthony Pispis



0 comments:

Mag-post ng isang Komento