Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Personal Grudge, nakikitang dahilan sa pagpatay sa magsasaka sa Pres. Roxas, North Cotabato

(Pres. Roxas, North Cotabato/ June 9, 2015) ---Patay sa panibagong insidente ng pamamaril ang sinasabing dating kasapi ng New People’s Army o NPA sa naganap na pamamaril  sa Purok 3, Brgy. Labu-o, Pres. Roxas, North Cotabato mag-aalas 6:00 ng gabi nitong Sabado.

Sa panayam ng DXVL News kay PSI Romy Castañeres, hepe ng Pres. Roxas PNP kinilala nito ang biktima na si Larry Embac, 49-anyos, may asawa, magsasaka at residente ng nasabing lugar.

Lumalabas sa report, na habang naka-upo lamang sa isang waiting shade ang biktima, limang mga di pa nakilalang mga armadong suspek lulan ng dalawang motorsiklo na walang plaka ang biglang tumambad sa harapan nito.

Dala ng mga salarin ang isang M-16 rifle na binalot sa sako at mga short firearms. 

Nang mapansin ni Embac ang presensiya ng naturang mga suspek, agad na tumakbo ito at pumasok sa bahay ng isang Emma Pan Villasor pero sinundan at pwersahang inilabas ng isa sa mga suspek.

Pagkalabas ng bahay, nagawa pa ng biktima na tumakas dahilan kung bakit dalawa sa mga suspek ang nagpaputok ng ilang beses sa kanya. 

Nagtamo ang biktima ng iba’t-ibang tama ng bala sa iba’t-ibang parte ng kanyang katawan na naging dahilan ng agaran nitong kamatayan.

Narekober sa pinangyarihan ng insidente ang 14 na empty shells na kinabibilangan ng pitong empty shell ng 9mm pistol, 7 empty shells ng .45 na pistol at iba pa.

Napag-alaman pa na ang mga suspek na responsable sa nasabing krimen ay tumakas sa bahagi ng Sitio Sumakwelan ng nasabing lugar habang sumisigaw na mga miyembro sila ng makakaliwang grupo na NPA.


Sinabi naman sa DXVL News ni Castañeres, na personal grudge ang isa sa mga anggulong sinusundan nila sa nasabing insidente. Rhoderick Beñez

0 comments:

Mag-post ng isang Komento