Photo: PGO Media Center |
Ito ang inihayag ni Cotabato Schools Division
Superintendent Omar Obas sa panayam ng DXVL news.
Ang naturang summit ay dinaluhan nina North
Cotabato Governor Emmylou Lala Taliño Mendoza, mga board members sa pangunguna
ni BM Dulia Sultan, mga baranggay kagawad, mga PTA presidents at mga school
heads mula sa ibat ibang paaralan sa lalawigan ng North Cotabato.
Inihayag ni Obas na nasa 1500 hanggang 1700
ang dumalo at napuno ang ibabang bahagi ng provincial capitol gymnasium.
Buo umano ang suporta ng mga stakeholders at
mga school heads sa K-12 summit sa kabila ng maulan na panahon.
Malaking bahagi din umano ng summit ang
inilaan sa open forum at nagkaroon ng commitment signing.
Inilahad din sa summit kung sini ang
makikinabang sa K to 12 program sa 2-3 taon.
Katunayan
umano ay aprubado na ang K to 12 program ng Notre Dame of Midsayap College, Southern
Christian College, University of Southern Mindanao, Kabacan at iba pa. Christine Limos
0 comments:
Mag-post ng isang Komento