Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

1 patay, mga imprastraktura nasira sa pagragasa ng baha sa South Cotabato

Photo: FB of Sharon De Ramos
(North Cotabato/ June 24, 2015) ---Isa ang naiulat na nasawi sa malawakang pagbaha sa ilang bayan sa lalawigan ng South Cotabato at Koronadal City dahil sa magdamagang pagbuhos ng ulan.

Sa ulat ni South Cotabato Information Officer Lurvie James Fruto sa DXVL News ngayong tanghali na agad na nagdeklara ng suspension of classes in all levels si Mayor Peter Miguel ng Koronadal city.

Ito matapos na hindi madaanan ang tulay sa Barangay Concepcion at Barangay Namnama ng wasakin ng rumaragasang tubig baha.
Habang isang tricycle ang nahulog sa bumigay na tulay sa Barangay Concepcion.


Apat na pamamahay ang inanod ng tubig baha sa Purok Magsaysay, Barangay Concepcion habang isinasagawa na ang evacuation sa mga residente sa gilid ng ilog sa naturang lugar.
Sa ulat ng PDRRMC kinilala ang namatay na si Fo Tamarang nang madaganan ng natumbang kahoy sa Sitio Laflawan, Barangay Lunen, Tupi, kanina.

Kabilang sa mga bayan na binabaha ang Banga, Norala, Tantangan, Tampakan at Tupi.

Halos lahat na mga barangay sa Tantangan ang binaha at pitong barangay sa Norala.

Ideneklara na rin ni South Cotabato Govcernor Daisy Avance-Fuentes ang suspension ng klase sa lahat ng level sa pampubliko at pribadong paaralan sa buong lalawigan. Rhoderick Beñez



0 comments:

Mag-post ng isang Komento