(South Cotabato/ June 25, 2015) ---Suspendido
ang kalse sa lahat ng antas ng paaralan sa bayan ng T’boli, South Cotabato at
bayan ng Lupayan, Sultan Kudarat dahil sa matinding pagbabaha sa nasabing mga
bayan.
Ayon kay Region 12 Office of Civil Defense
Assistant Regional Director Jerome Baranco sa panayam ng DXVL News, ito umano
ang naging aksiyon ng mga LGU sa bayan dahil narin sa nararanasang pagbabaha.
Anya, patuloy pa nila ngayong inaalam ang
bilang ng mga apektadong pamilya, mga sugatan at casualties sa nasabing mga
bayan.
Inihayag din ng opisyal sa nasabing panayam
na abot na sa 4 na bayan at ang Koronadal City sa lalawigan ng South Cotabato,
bayan ng Lupayan ng Sultan Kudarat at bayan ng Glan, Saranggani ang naapektuhan
na nasabing kalamidad.
Samantala sa South Cotabato parin ay tatlo
na ang naitalang patay habang dalawa ang sugatan sa malawakang pagbaha at
nangyaring landslide sa lalawigan ng South Cotabato dulot ng malakas na
pagbuhos ng ulan.
Kinilala ang dalawa sa mga namatay na sina
Nonoy Ga, 74, at Molina Ga, 71, mga residente ng Purok Tinago, Sitio Aksaon,
Bonao, Tupi, South Cotabato na natabunan ng lupa matapos na mangyari ang
landslide sa nabaggit na lugar.
Ayon kay MDRRMO Emil Sumagaysay ng bayan ng
Tupi, natagpuan ang mag-asawang Ga sa bahay kubo na tinuluyan ng mga ito sa
kanilang bukid.
Ang isa pang namatay sa bahagi naman ng
Sitio Lamflawan, Barangay Lunen ay kinilalang si Veron Tamarang, 70,
samantalang ang mga sugatan ay sina Mercy Magbanua,27, at Catherine Joy
Magbanua, 1 yr old.
sa Koronadal City naman tuluyan ng nawasak
ang dalawang tulay sa Lungsod ng Koronadal.
Ito ang mga tulay ng Barangay Concepcion at
Barangay Namnama na sa ngayon hindi na madaanan dahil sa lakas ng kuryente ng
tubig na dumadaloy. Mark Anthony Pispis
0 comments:
Mag-post ng isang Komento