Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Registration sa Hatawan ng DXVL FM, extended, premyo sa kompetisyon mas pinalaki!

(Kabacan, North Cotabato/ July 1, 2015) ---Mas kaabang-abang ngayon ang North Cotabato Wide Hip-hop Dance Competition for a Cause ng DXVL KOOL FM na pinamagatang “Hatawan para sa batang nangaingailangan” matapos na dinagdagan ni Kabacan Mayor Herlo P. Guzman Jr. ang papremyo sa nasabing aktibidad.

Sa halip na P10,000 na tatanggapin sa magiging kapyon sa nasabing kompetisyon, ngayon ay tumataginting na P15,000 ang kanilang mapapanalonan, P10,000 sa 2nd Prize, at P8,000 para sa 3rd Prize at meroong ring 2 consolation Prizes.


Ayon pa kay Mayo Guzman na ito ang kanyang pagpapakita ng suporta sa mga programa at aktibidad na naaayon sa kaniyang kampanya na ilayo ang kabataan sa bisyo lalo na sa ipinagbabawal na droga.

Dagdag pa nito na suportado niya ang nasabing aktibidad sapagkat ito ay nagpapakita ng kagalingan ng mga kabataang siyang mamumuno sa mga susunod na henerasyon.

Ang “Hatawan para sa batang nangaingailangan” a North Cotabato Wide Hip-hop Dance Competition for a Cause ay isa sa mga highlights ng ika 9 na taong anibersaryo ng DXVL 94.9 Kool Fm, na may temang “Lakas ng bayan, kaagapay sa Serbisyo Publiko” na itatanghal sa USM Gymnasium, USM Compound, Poblacion Kabacan, Cotabato sa darating na July 18, 2015 ngayong buwan na magsisimula ala 1:00 ng hapon.

Patuloy naman ngayon ang imbetasyon ng himpilan sa lahat ng Hip-hop Dance Group sa buong lalawigan ng North Cotabato na nagnanais sumali sa nasabing kompetisyon na tunguhin lamang ang himpilan na matatagpuan sa College of Arts and Sciences building, USM Compound, Brgy. Pob. Kabacan sapagkat extended paa ang registration na magtatapos na July 15, 2015. Brex Bryan Nicolas/ Mark Anthony Pispis



0 comments:

Mag-post ng isang Komento