Prof. Ruth Calimag Sabinay, Ed D. |
(USM, Kabacan, North Cotabato/ July 2, 2015) ---Tuluyan ng binawian ng buhay ang 49-anyos na
dating Department Chair ng College of Industry and Technology-Department of
Industrial Technology ng University of Southern Mindanao matapos iginupo ng
kanyang sakit na colon cancer.
Ayon kay Prof. Uldarico Lavalle, research
coordinator ng DIT na nakatakdang ililibing si Prof. Ruth Calimag Sabinay, Ed
D. bukas (July 3, 2015) alas 7:00 ng umaga sa St. Jude Memorial Park, Kilada, Matalam,
Cotabato.
Binawian ito ng buhay noong June 18, 2015
dahil sa matinding kumplikasyon.
Si Prof. Sabinay ay naglingkod ng maraming
taon sa Unibersidad, naging GAD Focal Person ng DIT, nagsilbi rin itong College
Guidance counselor, AACCUP Accreditor, kasapi ng USMFA at USMAA at naging
Chairperson ng DIT-CIT.
Siya ay ipinanganak noong September 4, 1965
sa Lungsod ng Quezon.
Ang kanyang post graduate ay Doctor of
Education sa University of Southern Mindanao, nagtapos din ito ng Master of
Arts in guidance counseling sa Notre Dame of Dadiangas University.
Nagtapos din ito ng Master of Professional
Studies in Development Education sa USM.
Naulila ni Maam Sabinay yang kanyang asawa
na si David Sabinay, guro sa Mlang National High School at ang tatlong mga
anak.
Ngayong hapon nakatakdang gagawin ang
Necrological Service ng mga faculty ng CIT-DIT sa bahay nila sa Sinamar 2,
Poblacion, Kabacan, Cotabato.
Agad namang nagpaabot ng pakikiramay at
pakikidalamhati ang pamunuan ng University of Southern Mindanao sa pamumuno ni
USM Pres. Francisco Gil Garcia sa maagang pagkawala ng isa sa magaling na guro
ng USM. Rhoderick Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento