(Matalam, North Cotabato/ July 7,
2015) ---Abot sa halos pitumpung sachet ng pinaniniwalaang shabu ang nasamsam
ng mga otoridad sa isinagawang search operation sa binansagang Shabu Tiangge sa
Purok Islam, Poblacion Matalam, North Cotabato kahapon ng umaga.
Sa ipinarating na report ng Matalam
PNP, narekober ang naturang mga iligal na droga matapos halughugin ng pulisya
ang limang mga target na bahay sa bisa ng search warrant na inissue ni Judge
Arvin Balagot ng Regional Trial Court Branch 17 ng Kidapawan City.
Nang pasukin na ng mga otoridad ang
mala iskinitang lugar sa Purok Islam, huli ang lima ka-tao na kinilalang sina
Nasser Salandang Talagipan, Datulok Mabulok Guianon alias DATS, Nora Salandang,
mag leave in partner na sina Fahima Sali Makalimod at Wilfredo Ijonales.
Apat mula sa limang target na mga
bahay ang nakuhanan ng iligal na droga habang huli din ang isa pang Soraida
Amelil na nanduon rin sa lugar.
Nabatid na isa sa mga suspek na
kinilalang si Bulaw Palti ang nakatakas na ngayo’y tinutugis na ng mga
otoirdad.
Halos walong oras nang matapos ang
nasabing operasyon kung saan mahigit isang daang police personnel din ang
tumulong sa naturang operasyon na kinabibilangan ng Cotabato Police Provincial
Office, Matalam PNP, Makilala, Tulunan at Mlang PNP at maging ang mga brgy.
Officials ng Poblacion Matalam.
Abot sa 67 sachet ang nakuha mula sa
mga suspek- kabilang na dito ang dalawang malaking sachet ng shabu, 51 meduim
sachet, 14 na sachet ng shabu.
Maliban sa mga drug paraphernalia na
narakober din sa lugar ang isang 357 REVOLVER na may limang bala, 18 mga used
sachet at mahigit 40 empty sachet na ginagamit sa pagrepack at 20 thousand
pesos cash.
Nasa kustodiaya na ngayon ng Matalam
PNP ang anim na mga suspek habang inihahanda na ang kasong isasampa laban sa
kanila. Rhoderick Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento