Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Municipal Advisory Council Meeting, isinagawa ng Kabacan PNP

(Kabacan, North Cotabato/ July 8, 2015) ---Matagumpay na isinagawa ang Additional Municipal Advisory Council Meeting ng Kabacan PNP na isigawa sa USM Hostel, USM Compound, Kabacan Cotabato kahapon.

Ayon kay Kabacan PNP Deputy Chief PI Arvin Jhon Cambang sa panayam ng DXVL News, kasama sa mga lumahok sa nasabing aktibidad ang mga kinatawan ng Media, MSWDO, Senior Citizen, GAD, Brgy. Poblacion Council, MORO P’COR, Department of Criminal and Justice Education ng USM, Religious Sector, Academe, at LGU Kabacan.

Dagdag pa ng opisyal, ang nasabing mga kalahok ay ang katuwang ng Kabacan PNP sa pagpaplano sa mga stratehiya sa mga plano at mga programang kanilang ipinapatupad upang mapanatili ang peace and order sa bayan.

Unang ipenresenta ni PI Cambang ang PNP ITP-PGS (Integrated Transformation Program-Performance Governance System) o ang PNP Patrol Plan 2030.

Nakapaloob sa nasabing presentasyon ang Crime Prevention Activities, Crime Solution Activities at Public Safety Activities na kanilang ipapatupad sa susunod na 20 taon.

Kasunod nito ay ang presentasyon ng “Oplan Lambat Sibat” o ang Anti Criminal Campaign ng PNP na ipenresenta naman ni PI Maxim Peralta.

Nagpasalamat naman ang pamunuan ng Kabacan PNP sa pangunguna ni PSI Ronnie Cordero sa partisipasyon ng mga lumahok. Mark Anthony Pispis


0 comments:

Mag-post ng isang Komento