Photo by: Ralph Ryan Rafael |
AMAS, Kidapawan City (July 10) – Matapos ang ceremonial
blessing ng multi-million Centennial Pavilion at Provincial Museum kahapon sa
Provincial Capitol ay pormal na rin itong binuksan sa publiko.
Ang naturang mga
gusali ay ang dalawa sa pinakabagong mga structures sa loob ng kapitolyo mula
sa savings ng Provincial Government of Cotabato.
Nagkakahalaha ng
P29,974,588.70 ang Centennial Pavilion habang abot naman sa P24,353,992.25 ang
halaga ng Provincial Museum.
Tatawagin ring “The
Basket” ang Centennial Pavilion dahil sa disenyo nito at magsisilbing simbolo
ng Lalawigan ng Cotabato bilang food basket ng rehiyon.
Gagamitin ito sa mga
product exhibits at iba pang aktibidad na magpapalago sa ekonomiya ng
lalawigan.
Samantala, tatawagin
namang Museyo ng Cotabato ang Provincial Museum na naglalayong ipreserba ang
kultura at tradisyon ng mga Cotabateño sa loob ng mahigit 100 taon bilang
lalawigan.
Dito ilalagak ang
mga artifacts bagay-bagay na minana pa mula sa mga ninuno at nagpasa-pasa na sa
iba’t-ibang henerasyon tulad ng musical instruments, gamit sa kusina, mga
damit, sandata at iba pa.
Sa kanyang mensahe,
sinabi ni Gov. Emmylou “Lala” J. Taliño-Mendoza na walang imposible kung
nagtutulungan at may iisang direksiyon ang lahat ng opisyal ng lalawigan kasama
ang iba’t-ibang sektor.
Sinabi pa ni Gov
Taliño-Mendoza na ginagawa ng kanyang administrasyon ang lahat ng makakaya nito
upang mapaangat ang antas ng pamumuhay ng mga Cotabateño.
Ito ay sa
pamamagitan ng pagpapatupad ng makabuluhan at makatotohanang mga proyekto na angkop sa pangangailangan ng
mamamayan.
Kabilang rito ang
mga infrastructures, health, economic, education, tourism, peace and order at
maraming iba pang programa na ang layon ay tulungan ang mga mamamayan lalo na
ang mga mahihirap.
Pinasalamatan ng
gobernadora ang mga sumusuporta sa adbokasiya ng “Serbisyong Totoo” at hinimok
ang lahat ng sektor na ipagpatuloy ang pakikipagtulungan at kooperasyon ng
bawat isa upang makamit ang tagumpay. (JIMMY
STA. CRUZ-PGO Media Center)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento