Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Supply ng kuryente sa lalawigan ng North Cotabato, unti-unti ng bumabalik sa stable ayon sa COTELCO

(North Cotabato/ July 8, 2015) ---Nasa stable umano na kondisyon ang supply ng kuryente ng Cotabato Electric Cooperative o COTELCO sa kasalukuyan.

Ito ayon kay COTELCO General Manager Godofredo HOmez sa panayam ng DXVL News.

Anya, ito ay dahil umano sa mataas na lebel ng tubig sa Agus-Pulangi at nakaroon din sila remarketing sa Davao Lights ng 3 megawatts.


Masaya ring ibinalita ng General Manager ang pagpasok ng Therma South Incorporated o TSI sa susunod na linggo kung saan ay inaasahan umanong makakakuha ang kooperatiba ng 5 megawatts na siyang dadagdag sa kanilang supply ng kuryente.

Ibig sabihin nito ay magiging minimal na ang mararanasang brown-outs sa lalawigan.

Dagdag pa ng opisyal na kung magkakaroon man ng brown-outs ay mga Internal lamang na problema kagaya ng nangyaring block-out noong week end.

 Samantala, Ipinaliwanag ng pamunuan ng Cotabato Electric Cooperative o COTELCO ang nang yaring black-out sa kanilang service area nitong weekend.

Ayon kay COTELCO General Manager Godofredo HOmez sa panayam ng DXVL News, ipinaliwanag nito na nagkaroon umano ng problema sa 69 KB line ng kooperatiba matapos na sumabit ang isang sanga ng kahoy rito at nag short circuit na siyang dahilan ng black-out.

Ito dahil umano sa lakas ng hangin at pag-ulan sa mga panahong iyon.

Ipinaliwanag din ng opisyal na kapag ang 69 KB line ng COTELCO ang nagkaproblema, ibig sabihin nito ay apektado ang buong service area nito.


Isinaad ni Homez na agaran naman nila itong inaaksyonan upang maayos ang nasabing aberya. Mark Anthony Pispis

0 comments:

Mag-post ng isang Komento