(Pres. Roxas, North Cotabato/ July 8, 2015) ---Matapos pag-usapan ang ugat ng
pinag-aawayang lupa sa pagitan ng grupo ng mga Lumad at Kristiyano sa Purok 8,
Presidente Roxas, North Cotabato, nakatakda na itong bigyan ng solusyon.
Ito sa pamamagitan ng pagbuo ng Taskforce
Greenhills na tutok sa naturang sigalot.
Ayon kay Pres. Roxas Vice Mayor Noel
Mallorca, malaki ang maitutulong ng kanilang bubuuing taskforce para malutas na
ang awayan sa mahigit isang libong ektaryang lupa sa nabanggit na lugar.
Ang paliwanag ng mga residente ng brgy.
Greenhills ang pag-reclaim ng mga lumad sa kanilang ibinentang lupa sa mga
Kristyano ilang taon na ang nakalilipas.
Nabatid na may hawak ding dokumento ang
ilang mga Kristiyano na magpapatunay na nabili at naibenta na ito sa kanila.
Pero kung ang mga lumad naman sa lugar ang
tatanungin sa kanila ang naturang lupa sapagkat doon nila inilibing ang
kanilang mga kamag-anak na dating nag-mamay-ari ng pinag-aagawang lupa.
Ito na umusbong ang gusot sa magkabilang
panig.
Bagay namang, bumuo ngayon ng taskforce ang
LGU President Roxas para tutukan ang nasabing problema sa lugar kasama ang
kawani ng DENR, National Comission on Indigenous People, mula sa grupo ng lumad
at mula rin sa grupo ng mga Kristiyano.
Kaya apela ngayon ng alkalde at ni Bgry
Greenhills Chaiperson Nover Dela Peña sa mga taga brgy. Greenhills na hintayin
nalang na matapos ang validation na gagawin ng taskforce para malutas na ang
nasabing problema sa lalong madaling panahaon.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento