Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Multicabs at Bagong renovated na Brgy. Hall ng Bangilan ng Kabacan, naiturn-over na;

(Kabacan, North Cotabato/ July 8, 2015) ---Lubos ang pasasalamat ng Brgy. Council ng Brgy. Bangilan sa pamunuan ng LGU Kabacan matapos na tuluyan nang maiturn-over ang kanilang bagong Brgy. Hall at kanila na itong magagamit.

Sa panayam ng DXVL News kay Kabcan Mayor Herlo P. Guzman Jr. sa programang Unlad Kabacan, inihayag nito na ang Brgy. Bangilan isa sa malayong lugar sa bayan kung saan ay nasa boundary na ito ng Kabacan at bayan ng Matalam.


Maliban sa barangay hall ng Bangilan ay nagkaroon rin ng turn-over ceremony at blessings ng sampung multicabs, dalawang L300 Cabs, Bus at ang bagong gawang barangay Hall sa Barangay Bangilan, Kabacan, Cotabato.

Pinangunahan mismo ng alkalde ang nasabing aktibidad kasama ang miyembro ng Sanggunian Bayan, mga opisyales at miyembro ng Barangay Councils ng ibat-ibat barangays dito sa bayan.

Inilahad din ng opisyal kung bakit sa nasabing barangay ginanap ang turn-over ceremony sa nasabing mga sasakyan.

Ito ay dahil umano upang ipakita na ang Brgy. Bangilan ay isa sa mga  maganda at mapayapang barangay sa bayan taliwas sa mga sabi-sabi na magulo umano ito.

Kasama sa mga nakatangap ng mga bagong Multicabs mula sa LGU ang mga barangays ng (1) Pisan, (2) Osias, (3) Katidtuan, (4) Magatos, (5) Dagupan, (6) Kilagasan, (7)Bangilan, at (8) Tamped.

Samantalang, dalawang L-300 FB Cabs naman ang ibinigay sa Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office at isang multi-cab naman sa Office of the Mayor.

Naging tampok din sa nasabing aktibidad ang “budols fight”  kung saan pati ang mga opisyal kasama si mayor ay nakisalo ditto.

Ayon pa kay Mayor Guzman, ito ay upang mawala umano ang gap na naglalayo sa mga mamamayan at mga lideres sa bayan na kahit sila mismo ay nakikisalo sa mga ito sa “budols fight”.

Sa pamamagitan umano nito ay mapaguusapan nila ang mga problema, hinaing ng mga mamayan na hindi nila mapaguusapan kung mag-iiba sila ng kainan. Mark Anthony Pispis

0 comments:

Mag-post ng isang Komento