Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Isa na namang matapat na tricycle drayber sa bayan ng Kabacan, nagsaoli ng naiwang laptop sa kanyang sasakyan

Jerry Olinares
(Kabacan, North Cotabato/ July 9, 2015) ---Agad na dumulog sa himpilan ng Kabacan PNP ang isang matapat na tricycle drayber matapos na maiwanan ng isang laptop ang sasakyan nito buhat sa isang pasahero kahapon.

Kinilala ang matapat na tricycle drayber na si Jerry Olinares, residente ng Barangay Kilagasan at may tricycle body number na 1456.

Ang naiwang Acer laptop, ayon sa report, ay nakapangalan kay Bon Louie V. Bacalso.

Matapos na mai-turn-over sa Kabacan PNP agad namang binigyan ng pagkilala ng Mayor’s Office ang nasabing matapat na drayber.


Dahil dito, laking pasasalamat ng Pamahalaang Lokal ng Kabacan sa pamumuno ni Mayor Herlo Guzman Jr., sa mga matatapat an residente ng bayan.

Hindi ito ang unang beses na may nagsauli ng kahalintulad na mamahaling gamit.

Marami na ring mga drayber sa bayan ang kinilala dahil sa kanilang katapatan.

Samantala, ipinapaalam din kay Garry Kieth Escucha na napulot ni Rodolfo Valdez ng 1BSDevcom ang iyong BDO ATM Card, paki-claim lamang dito sa DXVL during office hours. Rhoderick Beñez



0 comments:

Mag-post ng isang Komento