AMAS,
Kidapawan City (July
10) – Binasbasan at pinasinayaan kahapon ng mga provincial officials ng Cotabato
ang abot sa 27 mga heavy/road building equipment.
Ang naturang mga heavy/road building
equipment ay kinabibilangan ng 2 wheel loader (P28,314,035.52), 3 motor grader
(P48,664,748.55), 6 vibratory compactor (P46,730,340.00), 2 back hoe
(P22,752,600.00), 6 na 10-wheeler truck (P53,293,590.00), 6 na 6-wheeler truck
(P50,370,000.00), 1 self-loading truck (P16,300,314.22) at 1 portable air
compressor (P12,145,000.00) na may kabuuang halaga na P278,570,628.29.
Mula sa savings ng Provincial Government of
Cotabato ang pondong ginamit sa pagbili ng mga equipment na naglalayong
palakasin ang kakayahan ng kapitolyo at ng mga Municipal Local Government Units
sa pagpapatupad ng road projects.
Ayon kay Gov. Emmylou “Lala” J.
Taliño-Mendoza, mahalaga para sa kapitolyo partikular ang Provincial Engineer’s
Office o PEO na magkaroon ng kumpletong equipment upang matugon ang
pangangailangan sa konstruksiyon at pagsasaayos ng mga kalsada.
Ayon pa kay Gov. Talino-Mendoza, maaaring
gamitin ng mga LGU ang nabanggit na mga equipment upang ipagpatuloy ang mga
nasimulang road repairs and rehab at sa pagpapatupad ng mga road concreting
projects.
Sa kanyang mensahe, sinabi ng gobernadora na ginagawa
ng kanyang administrasyon ang lahat ng makakaya upang mapaglingkuran ang mga
mamamayan sa pamamagitan ng mga makabuluhan at makatotohanang proyekto.
Dagdag ng gobernadora, walang imposible kung magtutulungan
ang bawat isa at tiyak na makakamit ang hangad na pagbabao at kaunlaran.
Pinasalamatan din niya ang mga naniniwala sa adbokasiya
ng “Serbisyong Totoo” at sa patuloy na suporta sa mga programa at proyekto ng
kanyang administrasyon na naglalayong paangatin ang antas ng pamumuhay ng mga
mamamayan ng Cotabato. (JIMMY STA.
CRUZ-PGO Media Center)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento