(North Cotabato/ July 2, 2015) ---Nasa apat
katao na ang nasawi dahil sa kumplikasyon ng dengue sa North Cotabato.
Ito ayon kay Dra. Eva Rabaya, ang pinuno ng Integrated
Provincial Health Office.
Napag-alaman na dalawa sa nasawi ay buhat sa
bayan ng Alamada at tig-i-isa sa Aleosan at Midsayap.
Sinabi pa ng opisyal na higit isang libo na
ang kaso ng dengue na naitala sa Cotabato mula buwan ng Enero hanggang Hunyo
ngayong taon.
Ang naturang bilang, ayon sa data ng IPHO
Cotabato, ay higit 20 porsientong mas mataas kumpara noong nakaraang taon.
Batay sa kanilang datos, nangunguna ang
bayan ng Midsayap sa may pinakamaraming kaso ng dengue.
Sumunod rito ang Kidapawan City at pangatlo
ang Tulunan.
Dagdag pa ng IPHO Chief na patuloy ang
monitoring nila sa mga kaso ng dengue sa iba’t ibang mga ospital sa lalawigan. Rhoderick Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento