Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Apela ng KULTODA na gawing P7.00 na flat rate ang pamasahe ng mga estudyante, PWD’s at Senior Citizen, ibinasura ng SB

(Kabacan, North Cotabato/ September 12, 2014) ---Tuluyan ng ibinasura ng Sangguniang Bayan ang apela ng Kabacan Unity Lines Tricycle and Operators Drivers Association (KULTODA) na gawing flat rate ang pamasahe ng mga estudyante, may mga kapansanan at Senior Citizen.

Ayon kay KULTODA President Jeffrey Pedtamanan na dahil sa humihina na ang serkulasyon ng bente singko at dyes sentabos kaya nagdudulot ito ng kahirapan sa pagsukli sa kanilang mga pasahero at magdudulot pa umano ng di pagkakaunawaan ng mga pasahero at draybers.

Pero paliwanag naman sa DXVL News ni Councilor Reyman Saldivar miyembro ng Committee on Transportation na hindi ito pwedeng gawin ng mga draybers dahil nakasaad sa batas na dapat ipatupad ang 20% discount sa mga estudyante, may mga kapansanan at mga senior citizen.

Kaya kung maaprubahan ang taas singil sa pamasahe na P8.00 sa bayan ng Kabacan, P6.40 lamang ang maaring singilin ng mga ito batay sa nakasaad sa batas, ayon pa kay Saldivar.

Samantala, ayon sa opisyal aprubado na sa ikalawang pagbasa ang dagdag singil na P1.00 at posibleng isasalang na sa ikatlo at huling pagbasa ang nasabing panukala sa susunod na regular na session ng Sangguniang Bayan.


Panawagan naman ni Saldivar sa mga tricycle draybers at operators na sundin kung anuman ang nakasaad sa ordinansa. Rhoderick Beñez

0 comments:

Mag-post ng isang Komento