By: Mark
Anthony Pispis
(Kabacan, North Cotabato/ September
11, 2014) ---Gagawin ang Greening Activity ng Mindanao Development Authority
(MinDA) at ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na
pinamagatang “TreeVolution: Greening MindaNOW” na naglalayong masungkit ang Guinness World
Record para sa MOST NUMBER OF TREES PLANTED sa loob lamang ng isang oras
ngayong darating na September 26, 2014 kung saan kasali ang bayan ng Kabacan.
Layon ng aktibidad na makapagtanim ng
4,636,000 trees sa magkakaibang lokasyon sa Mindanao na may kabuoang sukat na
9,200 hectars.
Ang aktibidad ay denisenyo para maka
engganyo ng Massive Participation ng mga stakeholders at ibat-ibang sector para
makamit ang Mindanao target for National Greening Program (NGP) na naglalayong
ipabatid sa mga taga Mindanao ang kahalagahan ng pangangalaga ng kalikasan at
likas na yaman.
Ang bayan ng Kabacan ay naglalayong
makakuha ng mahigit kumulang 1,200
volunteers para sa nasabing aktibidad.
Kunektado ka sa mga balita. Mark Anthony Pispis
0 comments:
Mag-post ng isang Komento