By: Roderick Rivera Bautista
(Midsayap, North Cotabato/ September 11,
2014) ---Nakikipag-ugnayan na ang tanggapan ni North Cotabato First District
Rep. Jesus Sacdalan sa Department of Social Welfare and Development o DSWD
Regional Office XII sa Koronadal City upang makapaghatid ng tulong sa mga
biktima ng pagbaha sa Midsayap sa lalawigan ng North Cotabato.
Ito ay bilang tugon sa kahilingan ng lokal na
pamahalaan ng Midsayap na mabigyan ng assistance ang mga biktima ng pagbaha
sanhi ng malakas na ulan sa nakalipas na mga araw.
Abot sa 5, 348 katao ang apektado ng pagbaha
sa riverside area ng Midsayap batay sa report na isinumite ng Midsayap
Municipal Risk Reduction and Management Council o MDRRMC.
Umaasa ang First Congressional District
Office na maaaprubahan ng tanggapan ni DSWD XII Regional Director Bai Zorahayda
Taha ang kahilingan sa karagdagang assistance para sa mga biktima ng pagbaha sa
Midsayap.
Kaugnay nito ay inihahanda na rin ng
tanggapan ni Rep. Sacdalan ang mga food packs na nauna nang inilabas ng DSWD
XII.
Puspusan na rin ang ugnayan ng Midsayap
MDRRMC sa tanggapan ng kongresista tungkol sa takdang araw ng pamamahagi ng assistance
sa mga biktima. DXVL News
0 comments:
Mag-post ng isang Komento