By:
Mark Anthony Pispis
(Kabacan, North Cotabato/ September
11, 2014) ---Nilinaw ng Rural Health Unit ng Kabacan, na hindi pa kumpirmado
kung talagang Tigdas nga ang ikinamatay ng tatlong batang naiulat na namatay sa
Barangay Pisan dito sa bayan ng Kabacan.
Ayon kay Kabacan Rural Health Unit
Disease Surveillance Coordinator Honey Joy Cabellon, hinihintay pa nila ang
resulta kung talagang tigdas nga ang dahilan ng pagkamatay ng mga biktima sa
naturang Barangay.
Aminado naman si Cabellon na meron
nang naiulat na hinihinalang kaso ng tigdas sa lugar pero meron umanong
prosesong sinusunod bago malaman at makumpirma kung positibo sa tigdas ang
isang biktima.
Maaalalang naiulat dito sa DXVL ang
pagkamatay ng tatlong bata dahil sa tigdas na sina Angel Heart Adim at Precious
Miles Adim magkapatid na Lumad na nakatira sa Purok Cueva at isang batang
Muslim na residente ng purok Kalimudan Barangay Pisan noong September 9,
kahapon.
Dagdag pa ni Cabellon na gumagawa
naman ng aksyon ang RHU Kabacan sa mga report na kanilang natatanggap sa
katunayan patuloy parin ang pamimigay ng Anti measles at Anti Polio Vaccine.
Hinihikayat din niya ang mga magulang
sa iba pang Barangay na sakop ng Kabacan, na may anak na limang taong gulang
pababa na magtungo sa kani kanilang Barangay Health Center upang malaman ang
schedule ang bakuna ng Anti Measles at Anti Polio Vaccine at pabakunahan ang
kanilang mga anak.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento