Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

USM may 12 na bagong mga Veterinarians


(USM, Kabacan, Cotabato/ September 8, 2014) ---May bago ng 12 mga beterenaryo ang University of Southern Mindanao matapos na makapasa ang mga ito sa katatapos na Veterinary Licensure Examination na isinagawa nitong Setyembre  2-4, 2014 sa Cagayan de Oro City  at ilan pang testing center sa Pilipinas.

CVM Dean Dr. Emerlie Okit
Ayon kay USM College of Veterinary Medicine Dean Dr. Emerlie Okit nakakuha ang USM CVM ng 48% overall percentage kung saan mas mataas ito kesa sa National Passing Percentage na 33.33%.

Nabatid na 12 sa 25 na mga takers ang nakapasa sa naturang examinasyon mula sa USM.

Sinabi sa DXVL News ni Dean Dr. Okit na nakakuha naman ng USM-CVM ang 69.23% passing percentage para sa mga first takers.

Batay sa ranking nakuha ng University of the Philippines (UP) ang rank 1, sinundan ng Central Luzon State University (CLSU), Central Mindanao University (CMU) at pang apat ang University of Southern Mindanao (USM) base sa mga 25-49 first time takers, ayon kay Dr. Okit.

Matatandaan na ang mga nabanggit na paaralan ay una ng nakatanggap ng Award na Center of Excellence sa Commission on Higher Education o CHED sa patuloy na pagmamantina nito ng above National Passing rate. 

Lubos naman na pinasalamatan ng dekana ng USM-CVM ang Panginoon sa pagsagot sa mga panalangin nito, sa pamunuan ng Unibersidad, sa mga guro at mag-aaral na nagsikap upang mamintina ng Pamantasan ng Katimugang Mindanao na makuha ang COE sa larangan ng Veterinary Medicine.  

Malaking karangalan naman hindi lamang sa kolehiyo kundi sa Pamantasan ang katatapos na resulta ng exam kungsaan suportado naman ni USM Pres. Dr. Francisco Gil N. Garcia ang lahat na mga programang pang-instruction ng Vetmed at ng buong Pamantasan. Rhoderick Beñez


0 comments:

Mag-post ng isang Komento