(Kidapawan City/ September 5, 2014) ---Limang
mga motorist ang sugatan habang yupi naman ang kani-kanilang mga sasakyan
makaraang araruhin sila ng School Bus ng University of Southern
Mindanao-Kidapawan City campus o USM-KCC sa National Highway ng Brgy. Balindog,
Kidapawan City alas 8:15 kaninang umaga.
Kinilala ng Kidaapwan City Traffic Division
ang mga sugatan na sina Antonieto Gutierrez, 56-anyos drayber ng Honda TMX at
angkas nitong si Jerry Aligalvis, 38, magsasaka at kapwa residente ng brgy.
singao, Kidapawan City; Richard Rapusa, 32 taga Kabacan, Cotabato at drayber ng
pulang
Honda Beat na may license 9712 PN; Jose Mundejar, 28, drayber ng Mazda
Honda Truck na may license number TLS 223 at pasahero niya na si Elpidio
Retiza, 23-anyos kapwa taga Ginatilan, Kidapawan City.
Sa lima kritikal ang kondisyon ni Aligalvis
na nagtama ng matinding sugat sa ulo, ayon sa kay P03 Pedro Fernandez ang Chief
traffic investigator ng Kidaapwan City PNP.
Base sa imbestigasyon ng Traffic Management
Unit ng Kidapawan City LGU na pinamumunuan ni TMU Head Rey Manar, binabaybay ng
USM School bus na minamaneho ni Melvin Calubayan ang kahabaan ng Matalam-Kidapawan
Highway ng mabiglang mawalan ito ng preno sa detachment ng sundalo sa brgy.
Binoligan.
Una nitong binonggo ang Honda beat na
minamaneho ni Rapusa, pagkatapos nito binonggo naman niya ang pick up truck ni
Mundejar at ang truck na ang naka-bunggo sa Honda TMX na minamaneho noon ni Gutierrez.
Puno ng estudyante ng USM KCC ang School bus
para dumalo sana sa taunang Sports Unilympics ng maganap ang di inaasahang
pangyayari.
Wala namang nasaktan sa mga estudyante at
mag-aaral ng USM KCC, ayon kay Dean Dr. Luz Taposok. Rhoderick Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento