Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Pagkakapatiran sentro ng mensahe ng dating gobernador ng Cotabato Empire Province

By: Roderick Rivera Bautista

(Amas, Kidapawan City/ September 3, 2014) ---Sinariwa ni dating Cotabato Empire Province Governor Simeon Datumanong ang malalim na pagkakapatiran ng mga Lumad, Muslim at Christian Settlers sa kanyang talumpati sa Culmination Program ng ikasaandaang anibersaryo ng Lalawigan ng Cotabato kahapon.

Sa harap ng libu- libong tao ay binigyang- diin ni Datumanong na sa panahon ng kaniyang pamumuno ay nakita niya ang pagkakaisa at ugnayan ng mga mamamayan sa buong imperyo ng Cotabato.

Nabatid na ang dating Cotabato Empire Province ay hinati na siyang nagbigay- daan upang maisilang ang mga lalawigan ng South Cotabato, Sultan Kudarat, Maguindanao at Saranggani.

Hinikayat naman ng dating gobernador ang mga Cotabateá¹…o na magkaisa at pahalagahan ang pagkakapatiran na magsisilbi umanong tulay ng bawat isa upang lalo pang pang mapaunlad ang lalawigan.

Pinapurihan din ni Datumanong ang mga nagsilbing lider ng lalawigan upang makamit ang kapayapaan at kaunlarang nararamdaman nito ngayon.


0 comments:

Mag-post ng isang Komento