(Kabacan, North Cotabato/ September 5, 2014)
---Abot sa 47 ang naaprubahang recipient ng livelihood program ng Department of
Labor and Employment o DOLE 12 sa bayan ng Kabacan.
Ito ang sinabi sa DXVL News ni Executive
Assistant to the Mayor Yvonne Villanueva Saliling.
Aniya, mismong si Kabacan Mayor Herlo Guzman
Jr., ang personal na kumuha ng tseke sa DOLE 12 na nagkakahalaga ng mahigit sa
P400,000.00.
Ang nasabing mga beneficiaries ay buhat sa
barangay ng Katidtuan, Bannawag, Malanduage, Osias, Pisan, Poblacion at Upper
Paatan.
Kabilang sa mga livelihood program na
maibigay sa nasabing mga benepisyaryo ay ang furniture making, hot dog and
chicken Barbeque, ornamental garden, Chicharon making, fish Cracking vending,
halu-halo, kankanin vending, balut, biko and puto, meat barbeque, Siopao,
Tucino, icecream making at nego cart at marami pang iba.
Kaugnay nito, nananawagan ang opisyal sa mga
gustong maka-avail sa livelihood program ng LGU na tumungo lamang sa PESO
Office upang sumangguni dahil magsasagawa sila ng orientation hinggil dito sa
sususnod na linggo. Rhoderick Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento