AMAS,
Kidapawan City (September 1) – Darating sa Cotabato Province si
Dept. of Justice Secretary Leia De Lima bilang panauhing pandangal ng ika-100
anibersaryo ng lalawigan bukas Sep. 1, 2014.
Inaasahan ang presensiya ni De Lima sa provincial
grandstand bago mag-tanghali bukas upang magbigay ng mensahe sa mahalagan
okasyon ng Cotabato.
Si De Lima ang pinili ni Cotabato Governor Emmylou
“Lala” J. Taliño-Mendoza upang maging panauhing pandangal dahil sa mahusay na
track records nito sa pribado at pampublikong gawain.Naging kalihim ng DOJ si
De Lima noong June 2010 matapos niyang maging Chairperson ng Commission of
Human Rights mula 2008-2010.Nagtapos bilang Valedictorian sa elementary (1977)
at Salutatorian sa High School si De Lima sa La Consolacion Academy na ngayon
ay La Consolacion College (1980).Nagtapos siya sa San Beda College of Law noong
1985 at nag-top 8 sa Bar Exams ng taong iyon.Nagturo din siya sa loob ng ilang
taon sa naturang kolehiyo.
Tumanggap din ng kaliwa’t-kanang parangal si De Lima ng
siya ay nasa pribadong sektor pa
Ilan rito ay ang Gawad
Justice Felix Angelo Bautista Awardee (2011), 2nd Orgullo Kan Bikol Awards for
Government Service (2011), Most Outstanding Bedan Alumna (2010), Gawad Lingkod
Masa Awardee (2010), 2010 Metrobank Foundation Professorial Chair for Public
Service and Governance, Excellent Public Servant Award, Defender of People’s
Rights, “Agent of Change” Awardee (2010).
Dahil dito, naniniwala si Gov. Taliñ-Mendoza na
magsisilbing inspirasyon ng mga Cotabateño si De Lima at ang mga magandang
gawain nito ay magsisilbing halimbawa sa mamamayan.
Inaasahan din ang pagdating ni Simeon A. Datumanong na
naging Bise-Gobernador ng Cotabato Province mula 1963-1967 at Gobenador naman
noong 1967-1971.
Ayon kay Gov.
Taliño-Mendoza, isang malaking karangalan sa mga Cotabateño na makapiling ang
iang dating lider na malaki ang nagawa para sa pagbabago at kaunlaran ng
lalawigan.
Samantala, gaganapin na rin bukas ang kapana-panabik na
Street Dancing and Showdown Competition sa Provincial Capitol Sports Complex.
Anim na mga munisipyo ang maglalaban-laban sa provincial
level at mga ito ay ang Carmen, Midsayap, Kabacan, Aleosan, Alamada at Matalam,
Tatlo naman ang sasabak sa Mindanao-wide level at ito ay
ang Polomolok at T’boli sa South Cotabato at Mati City sa Davao Oriental.
Maliban dito, iba’t-ibang aktibidad din ang gagawin
kabilang na ang Kumbira sa Kapitolyo kung saan sa murang halaga lamang ay
makabibili na ng pagkain ang mga dadagsa sa kapitolyo. (JIMMY STA. CRUZ/PGO Media Center)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento