(Kabacan, North Cotabato/ September 5, 2014)
---Isinailalim na sa State of Calamity ang bayan ng Kabacan matapos na ideklara
ito ng Sangguninag bayan sa isinagawa nilang special session nitong Miyerkules
ng hapon.
Sa panayam ng DXVL News kay Vice Mayor Myra
Dulay Bade ito ay bunsod na rin ng mga pagbabaha sa bayan ng Kabacan kungsaan
siyam na mga barangay ang naapektuhan.
Ito ang naging aksiyon ng pamahalaang lokal
upang mapabilis ang pagpapalabas ng pondo upang magamit ng LGU Kabacan ang 5%
calamity fund nito mula sa Disaster Fund.
Dagadag pa ni Vice Mayor, tinatayang nasa
990.40 hectars at 882 na mga magsasaka sa bayan ng kabacan ang naapektuhan ng
naturang mga pagbaya. Rhoderick Beñez with report from Mark Anthony Pispis
0 comments:
Mag-post ng isang Komento