Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

DepEd Cotabato, nagdadalamhati sa pagpaslang sa District Supervisor ng Midsayap

(Kabacan, North Cotabato/ September 2, 2014) ---Nagpaabot ngayon ng pakikiramay ang pamunuan ng Department of Education Cotabato Division sa pamilya ng napatay na DepEd Supervisor sa Midsayap, Cotabato.

Ito ang ipinarating ni Cotabato School’s Division Supt. Omar Obas sa panayam sa kanya ng DXVL News.

Aniya agad namang nagbigay ng tulong pinansiyal ang Division ng Cotabato at nagpalabas na rin ng deriktiba si Obas sa lahat ng sakop nito na magbigay ng tulong, panalangin at bulaklak sa mag asawang biktima ng pamamaril.


Matatandaan na pinabulagta ang 62-anyos na DepEd district supervisor at asawa nito matapos tambangan ng riding-in-tandem gunmen sa bahagi ng Barangay Dalingawen, bayan ng Pikit, North Cotabato kamakalawa ng hapon.

Kinilala ni Pikit police chief P/Inspector Mautin Pa­ngandigan ang mag-asawa na si Violita Flores Almazan, 62, district supervisor sa South Midsayap at Gervacio Almazan, 63, retired government employee at kapwa residente sa Barangay  Poblacion sa bayan ng Magpet, North Cotabato.

Ayon sa police report, pauwi na sana ang mag asawang lulan ng motorsiklo mula sa bayan ng Midsayap nang tambangan pagsapit sa bahagi ng Barangay Dali­ngawen.

Dahil sa rami ng tama ng bala ay patay kaagad ang lalaki habang naisugod pa sa pagamutan ang asawa nito ngunit idineklarang patay.


Narekober sa crime scene ang mga basyo ng bala ng baril habang patuloy naman ang imbestigasyon. Rhoderick Beñez

0 comments:

Mag-post ng isang Komento